Sunday, April 11, 2010

10 Na Madalas Kong Pinapatugtog sa Iphone


Nakita ko sa Flickr meron yung silang TAG game. Tag Top 10 about anything. Eh dahil wala pa namang magawa naisipan ko I blog nalang cguro. [at least makakapag embeed ako ng video dito dun hindi.]

Pinanganak akong namulat sa maraming bagay tungkol sa musika particular siguro sa mga banda. Si Cory Aquino na presidente nun, natapos na ang Martial Law at people power. Naalala ko nung kindergarten pa ko maraming cassette tapes ang tatay ko mag mula sa Queen, Eagles, Rainbow, at iba pang mga “slow rock”sabi nga nila. [pero ang tamang term eh power ballad naman]. Nakahiligan kong patugtugin mga ito dun sa mukhang “antique” na Sony radyo namin na hanggang ngayon hanga parin ako dun kasi gumagana pa. Bilang produkto pinagtatawanan pa yung Sony nun kasi made in Japan lang daw at mga mahihirap lang ang bumibili.

Elementary days panahon ng glam/hair metal, hard rock, naalala ko aliw na aliw ako sa mga mahahabang buhok ng mga banda nun, Poison, Ratt, Stryper, Motley Crue, etc. at syempre si Bon Jovi, pinakapaborito ko nung kabataan kung saan nung nagconcert sya sa Pinas ay aliw na aliw akong pinanood ang taped version nun sa Channel 2. Nakikipagtalo pa nga ako sa mga kaklase ko nun.

High School days siguro pinakapaborito ko part ng musical path ng buhay. Panahon ng Grunge, Alternative, at konting Hard Rock. Namatay ang glam at metal era nung araw at natulak sila sa underground. Guns n Roses, Gin Blossoms, Eraserheads, Parokya ni Edgar, Def Lepard, etc.. at syempre Nirvana! Minsan makikihiram ako sa mga kaibigan ko ng mga album ng mga to dahil wala naman ako pambili nung araw.

College days pababa ay panahon na gusto mong limutin ang mga musika. Panahon ng rap metal. Naalala ko nag organize ako minsan ng band exposure. Napakaraming mga bandang pilit ginagaya ang mga rap metal bands kasi nga “uso”. Marami akong cassete tapes na binili nung araw, Linkin Park, Papa Roach, Korn, Lip Bizkit, Slapshock, Greyhoundz etc. Dati medyo naaaliw ako ng konti sa mga yun pero habang tumatagal lalo ko narerealize wala palang talent ang mga bandang yun.

Malaki ang pinagbago ng musika ngayon sa mundo. Ang mga tao mas naaaliw sa mga bagay na wala naman kwenta. Mga kantang isang oras lang ginawa. Yung iba revival nalang para magkapera at me bumili. Yung iba kukuha ng beats sa computer o kaya gagaya ng konti sa iba maghahanap ng kakanta o magrarap at ok na tapos lagyan mo ng mga f*ck, b*tch etc sa lyrics..at presto pera na multi platinum pa. Panahon ng 80's kung wala kang magaling sa vocalist, guitarists, drummer at wala kang explosive na stage setup na mala Michael Jackson at kung hindi ikaw ang composer ng kinakanta mo, walang manonood sayo, walang bibili ng album. Pero sa panahon ngayon kahit sino nalang kahit saan, ang pangit ang boses, pangit maggitara, drums, nakakagawa ng album at me bumibili, Kaya nga madaling kalimutan ang mga musicians ngayon. Para bang habang tumatagal nagiging bulok at tamad na ang mga artists.

“Money and greed destroys creativity.”

Ay oo ang top 10 ko pala ay...






10. Def Lepard - When Love And Hate Collide


9. Candlebox - Far Behind


8. Gin Blossoms - Follow You Down

Sa aking paghahanap ng mga banda at CDs sa mga music store, wala ni isang banda ang nadinig ko na ka level ang Gin Blossoms.


7. Firehouse - Love Of A Lifetime


6. Guns N' Roses - Sweet Child O' Mine


5. Live - Selling the Drama

Ganda ng bass sa intro.


4. Metallica - Unforgiven


3. Pantera - 5 Minutes Alone

“Dimebag”



2. Nirvana - Smells Like Teen Spirit

Syempre si pareng Kurt Kobain kung saan napabili ako ng Chuck Taylor at napasuot ng pantalong maraming hiwa hiwa. Naparamemorable sakin ang Grunge era.



1. Guns N' Roses - November Rain

At TADAAA......sa aking paglalakad ang pagiikot-ikot uli ng mga banda, CDs, concert, ewan ko bakit wala akong mahanap masyado ng isang me orchestra sa likod at me gitaristang sasampa sa piano para sa isang magandang solo...



5 comments:

Null said...

gusto ko ung candle box and gin blossom :) ayoko rin ng mga music ngayon... i consider it as noise hehehe gagawa nga rin ako nito... (inggitera?) haha

Alde Cruz said...

laki ako sa lolo ko.. haha puro elvis at victor wood naririnig ko nun..

eMPi said...

rocker... hehehe

thanks pala sa advice sa pagbili ng camera :D

Unknown said...

@roanne. maganda candlebox though one hit wonder lang sila. Gin Blossoms syempre di ma icompare kahit kelan. There in 90's there was Gin Blossoms in 2000 there was nothing.

@Al, hindi ko na kasi inabot si pareng elvis at victor wood...

@Marco no prob pre. mag dSLR ka nalang.

angge said...

i like number 7.=)
pls visit and follow my blog
http://www.anggeflores.blogspot.com
thanks!