Saturday, December 5, 2009

Nakakastress...

1. Nakakastress mag English ngayon.

Dudugo siguro ilong ko kung ano isusulat na English ngayon. Bakit ba kasi naman puro English sinusulat ko eh mali mali naman at nagkakandahirap hirap pa ko. Sabagay sabi nga nila dapat lang kasi, kung gusto mo maging "international" ang dating, kelangan daw yun "universal language" ang gamitin. Iniisip ko nagkakanda kanda stress din siguro araw araw ang mga nagtratrabaho sa call center sa Makati, eh sa araw araw ba naman dapat English sa trabaho. Minsan nga napadaan ako sa me kalye English parin ng English sila samantalang kalyeng Pinoy na ang usapan. Hindi mo rin masisi eh "part of the work pre, lets go to Starbucks and have a coffee." Eh sa ayoko, grocery nalang ako at bili ako isang karton ng Nescafe.

2. Nakakastress sa opisina kasi maraming ginagawa.

Wala naman akong angal dito mabuti naman yun kesa sa walang ginagawa pero sa dami ng kelangan tapusin at sa ikli ng panahon na kelangan itong ayusin nakakastress din! Pero ok lang! Ngiti parin. Ang mga gawain ay biyaya ng Maykapal.


3. Nakakastress pakinggan lahat ng mga balita sa Pilipinas.

Si Manny Pacquiao nagtayo ng party list group - PBA - Puwersa ng Bayaning Atleta kasama sina Chris Bolado, Rey Malonzo at ng kung sino sinong alipores! Anak ng..... Sabi ni Manny "Gostu ku lang makatolong sa Pelipens." Kelan ba me naitulong ang pulitika satin? Siguro kung ako si Manny, sa dami ng "Money" niya at kung matino siyang magisip eh magisip sya ng isang investment sa Pinas, ang lawak ng Mindanao o kung saan man eh dami pwedeng paglaanan. O kaya kumuha sya ng financial adviser, bumuli sya ng shares sa stock at ang mga kikitain nya dito ilaan nya sa mga orphanages, pagpapatayo ng paaralan, pagbibigay ng pondo sa mga magsasaka sa Mindanao. Ang pagbibigay ng hanapbuhay ay walang hanggang tulong kesa naman nasa Batasan ka nga at nakikipagdebate lang naman sa mga walang kwentang bagay politika gaya ng Cha cha o kung ano ano man.

Walang huwes na me gustong humawak sa Maguindanao case. Naku po!

Si Pacquiao daw at Krista me relasyon. Sabagay..no comment!

Si Gloria tatakbo sa Kongreso.

4. Nakakastress dahil wala na naman matinong presidenteng tatakbo sa Pilipinas.

Ni walang matinong adhikain. Eh bat sa ibang bansa pag me kakandidato eh pinaguusapan kagad, napakasimple lang naman ng pagpipilian ng kandidato kung sa pamamahala ba nya uunahin iangat ang agrikultura, industriyal, I.T, export, militar...atbp.

Si Erap!..naku po maawa naman tayo sa bansa natin.

Si Noynoy....Pagpapatuloy daw nya ang nasimulan ng magulang nya! Teka meron ba nasimulan ang mga yun? Ang dolyar naging 40, kudeta, pagpapalaya ke Joma Sison, paglaganap ng pagkarami raming rebelde sa bansa, pagpapasikat ke Honasan, pagbulusok ng ekonomiya ng Pilipinas pababa.

Malaking kalokohan ang People Power na yan. Nakailan na ba ang bansa natin me nangyari bang maganda? Umangat ba kabuhayan ng Pinas? Napakain ba ng people power ang mga bata sa kalye? Nabigyan ba ng trabaho ang mga maraming taong walang hanapbuhay ng people power yan?

Sabi naman nung iba "eh mas mabuti na kako yun kesa ke Marcos." Eh sagot ko naman habang akoy naglalakad sa kalye at nakita ko ang malalaking rebulto nina Mao Ze Dong at Deng Xiaoping, isip ko, parang mas gusto ko ng ganun nalang eh sa taas ba naman ng inangat ng China sa mundo, di hamak siguro matalino si Marcos.

Teka parang ang daming pagawaan ang nagsara dahil ka kakarally ng mga Pinoy. Adidas, Nike, Toshiba, FedEx, atbp. Sabi nga ng isang investor na narinig ko..pano na magnenegosyo sa Pinas bawat buwan magrarally ng increase, rally dito rally dun, ang dami pang holiday, ang dami pang bonus, ang dami pang reklamo.

Parang ayoko ata simulan yun.

Si Villar! Sipag at tiyaga. Mula congress hanggang senado naramdaman natin ang sipag at tiyaga nya..sipag at tiyaga sa pagpondo sa milyong milyong halaga ng patalastas niya sa telebisyon.

Teodoro parang di ko naman kilala pero malay ko baka maganda naman intensyon ng tao.

Eddie Villanueva relihiyon at politika. Me naghangad ba na sugo sa Bibliya na maging pinuno o politiko ng isang bansa?

Yung iba di ko din narinig pa, malay natin aganda naman intensyon nung tao

Subukan siguro ng Pipilinas ang maging komunista.

5. Nakakastress magfacebook....

Games dito, quiz doon, gift request dito gift request doon. Dami no? Eh para ba saan lahat ng mga yan kasi at pati akot nadamay na rin na subukan ang mga yan. Sa sobrang stress kakatingin sa mga yan eh kadalasan check nalang sa inbox saka close nalang kagad.


Mga Bagay na Di Nakakastress

1. Shopping

Namili na ko ng pangregalo habang maaga! Ayoko ng sikisikan ayoko ng me SALE kasi maraming tao.

2. Me follower na ko.

Thanks po Maa'm Yvonne..pagpalain nawa ang iyong pagbubuntis, isang message lang naman ako kung kelangan ng ninong..reply kagad sa madaling araw.

Salamat din ke Humprey, akalain mo nga naman sa blog pala kita madalas na matatagpuan.

3. Isang malamig na beer sabay upo sa footbridge ng Wanchai Ferry

Dahil minsan nabibigatan ako na dalhin ang aking dslr ay hinangad ko bumili ng isang compact at tinupad ko naman at nakabili ng LX3 nung kaarawan ko.

Hong Kong Convention and Exhibition Centre

Bago ako sumakay ng bus pauwi kadalasan tumatambay tambay ako sa tabi Hong Kong Convention and Exhibition Centre at iniisip ang mga bagay bagay.

-----------------------

Sabi nila ang tao walang kabusugan. Sabagay karamihan satin hirap makontento.

Me mga bagay din na baka di din para satin na kahit gumawa man tayo ng paraan wala din patutunguhan.

Nakakastress lang.

1 comment:

Unknown said...

hehehe ironic kasi stressed out ka pero ang gaganda ng tanawin mo dyan. you are blessed. (myblog) moreducation.weebly.com