Saturday, February 27, 2010

Bago

San Miguel by the Bay

Habang nag-aantay sa MOA ng ilang sandali para kumain ng alimango tahong, atbp.. sabay hawak sa lx3. Ha...gaan ng buhay pag magaan ang camera...ideal para sa mga tinatamad na magbuhat ng pagkabigat bigat na mga dslr. Nung una medyo masipag pa na dalhin yung sakin pero kalaunan tinamad ng konti...

1. Bakit iba ang sikat ng araw sa Pinas?
2. Bagong pangalan ng blog..me magbabago kaya...naku sana sipagin.
3. Mag uupgrade ba ako sa D700 o hindi, mag uupgrade o hindi...upgrade, hindi...ewan gulo ng buhay.
4. Sana hindi manalo si Noynoy. Tulad ng magulang nya wala naman naitulong at maitutulong sa Pilipinas yan. Mas dakila pa nga ang mga OFW pinakamataas ba namang pinagkukunan ng kita ng bansa.
5. Bayani ba si Ninoy? Sa dami dami ng mga taong nababaril sa Pilipinas na mas dakila pa ang hangarin gaya ng mga sundalo atbp. yun pa yung ...********** Paulit ulit ko binabasa ang kwento ni Ninoy at anak ng tipaklong manuod na nga lang ng John F. Kennedy.
6. People Power celebration na naman......pagkatapos ng dalawang people power ayos congrats mga trapong politiko. Napakatalinong desisyon at isang magandang kaganapan para sa "maunlad" na bayan. Yan ang mga "matalinong makabayan na pag iisip". mula sa 1:7 naging 1 USDollar = 46 PHPeso na ngayon. Kay laking achievement sa bayan hala cge rally pa! Teka ilan na nga ba...Toshiba, Adidas, Nike, Levis, FedEx blah blah ke daming ng nagsialisan.
7. Ganun pa man...theres no place like home ika nga. :]

2 comments:

Null said...

nice :)

ayaw ko rin kay noynoy... :) fan ako ni gordon e... kaya lang di naman ako boboto.. sayang...

post ka lagi ng pics sayang ung camera mo... :)

Unknown said...

oo nga. Gordon din ako. Nameet ko yung tao sa isa sa pinakaboring na department sa Pilipinas ang Department of Tourism, pero WOW Philippines ika nga nya. Naisip nya mula sa RORO - nautical highway at lahat ng province me chance ma feature sa Intramuros at mundo, saka yung SBMA dati (na nasira ni Erap), red corss, saka oo sya me akda ng automated election na meron ngayon ang pinas etc... samantalang si Noynoy ilang taon na ang Tarlac...ano ba nya nagawa nya dun.

Pero "vote by popularity" ang Pinas...Pag sikat ang nanay at tatay mo at marami kang ads sa TV 100% ang panalo mo. Kaya nga walang matinong politiko sa bansa.